Friday, November 07, 2008

Epiphany


GOD: Anak…

SQUID: Putangina! Ehe… sori… bossing naman kasi e, ginulat mo ako e—

GOD: …mahal na mahal kita…

SQUID: Talaga? Maski na ilang beses na kitang minura sa Internet? Maski na gumagawa ako ng Jesus LOL pictures? May sense of humor ka pala, bossing e. Marami kasing nagsasasabi na tatamaan daw ako ng lintik dahil sa mga pinaggagawa ko sa—

GOD: …minsan kahit yung problema mo ay dahil sa pagkakasala at pagkakamali mo, nandito pa rin ako para tulungan ka at ituwid ang mga pagkakamali na iyon.

SQUID: Teka lang. E diba omnipotent ka? Kung ganon, e di pwedeng wag mo na akong bigyan ng problema at wag mo na akong hayaang magkasala pa para hindi mo na kailangang mag-effort na ituwid ang baluktot na ginawa ko. Minsan kasi—

GOD: Minsan, kahit ayaw mong lumapit sa akin para humingi ng tulong dahil iniisip mo na binigay ko sa iyo yun…

SQUID: Ah, okey… so hindi ikaw ang nagbibigay ng problema sa aming mga anak ni Adan. E sino? Alam ko na… si Satanas ano? Gago talaga yung hindot na yon, ano? Wala na yung nagawang matino kundi… teka… e diba ikaw din ang gumawa kay Satanas? E di sayo din galing ang problema! Labo naman nito o.

GOD: …pero pinipilit ko pa ring solusyunan yun at gumamit ng ibang tao para tulungan ka.

SQUID: E bakit kailangan mo pang gumamit ng ibang tao? Pwede ka namang bumaba na lang at… shwiiing! Wala nang problema sa mundo. Lahat kami steady lang. Okey ba yun? Go na, bossing! Ready ka na? Three! Two—

GOD: Madalas wala man akong nakukuhang pasasalamat mula sa iyo…

SQUID: Ganun ba? Sige, sori na, bossing. Wala kasi akong nakikitang ebidensiya na may saysay ka nga sa buhay ko e. Yumbang pag may problema ako, tadaaan! May solusyon na agad. Pero kung gagawin mo nga yung sinasabi ko at bababa ka para tapusin na ang lahat ng problema ng mundo, tiyak gugulong ka sa pasasalamat naming lahat? Go na? Ganun lang yun o… shwiiig!

GOD: Pero di pa rin nawawala o nababawasan ang pagmamahal ko sa iyo.

SQUID: Kaya nga, bossing… patunayan mo na mahal mo kaming lahat at i-magic mo na ang mga problema namin para mawala lahat… sangkatutak e! Okey, practice muna… shwiiig! Shwiiing! Sh—

GOD: Di ako nawawala sa piling mo, umalis ka man sa tabi ko, susundan pa rin kita kasi ayaw kitang mapahamak.

SQUID: Ha? Okey yun a. Syempre ia-assume ko na lahat kami sa mundo sinusundan mo para di mapahamak. Pero bakit nung bata ako… nung nalaglag ako sa kotse… e hindi mo ako sinalo? Isang linggo din akong iika-ika nun ha. Akala nga ng nanay ko habambuhay na akong ganun e. Buti na lang gumaling ako. O wag mong sabihing may kagagawan ka don. Duktor at gamot ang may kagagawan nun. At saka nung namatay yung kuya ko sa aksidente sa SLEX wala kang ginawa? Tatlo ang namatay dun, bossing!

GOD: Nandito ako para maging solusyon sa problema mo.

SQUID: Ayus! Naintindihan ko na! Kaya pala wala kang ginagawa kasi plano mong ayusin ngayon ang lahat ng kapahamakang nangyari sa lahat ng taong nabuhay at nabubuhay sa mundo mula noong panahon pa ng mga caveman! Pero bakit kailangan mo pang maghintay? Kung sana hindi mo na lang hinayaang magkaron ng problema ang tao e di wala kang aayusin ngayon. Pero sige, hindi na importante ang rason mo. Ang importante, maaayos na lahat ngayon. Imamagic mo ang lahat para ayus na. Lahat ng mga namatay, mabubuhay! Lahat ng mga naghirap, malilimutan ang paghihirap! Sige na, bossing. Go na. Shwiiing na. Excited na ako—

GOD: Madalas ito ang paraan ng aking mga kaaway…

SQUID: Putaragis naman bossing e! Ayan ka na naman sa kaaway kaaway… tama nang satsat—

GOD: …dahil sa kagustuhang kunin ka nila sa akin, sinasabi sa iyo na galing sa akin lahat ng paghihirap mo.

SQUID: Sino bang sila ang nagsasabi niyan? Yung mga atheist? Hayaan mo na sila, bossing. Pag minajik mo na lahat ng problema sa mundo, mabubuhay ang pananampalataya nila sa iyo! Mawawala na ang sangkaterbang relihiyon sa mundo kasi makikita ng lahat na ikaw lang ang Diyos. Award ka!

GOD: Pero ang totoo sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, ayaw kong makitang kang nahihirapan.

SQUID: Haller! Bawat segundo may napapahamak sa mundo, bossing! May nagugutom, may hino-holdap, may ginagahasa, may tino-torture, at kung ano-ano pang klase ng kapahamakan! Kung mahal mo nga kaming lahat e bakit wala kang ginagawa—

GOD: Lumapit ka lang sa akin at sosolusyan nating dalawa ang mga problema mo. Magtiwala ka lang sa Akin, anak ko…

SQUID: Eto nga at lumalapit na e. O sige, para pormal ha? Lord, imajik mo na ang lahat ng problema sa mundo para mawala na. Para lahat kami masaya.

GOD: …dahil mahal na mahal kita.

SQUID: Kanina mo pa sinasabi yan, Lord. Kung tao ka nagsuspetsa na akong uliyanin ka na tulad nung lola ng dating syota ko. Nung pinakilala ako dun tinanong ako kung ano daw ang pangalan ko at kung saan daw ako nakatira. Syempre sinagot ko. E di chika chika lang. Makalipas ang sampung minuto, tinanong na naman ako kung anong pangalan ko at kung saan ako nakatira! Sinagot ko ulit. Haha. Mga limang beses naulit yung pagtatanong na yon nung gabing yon. Nung huli ipinaliwanag sa aking uliyanin na nga ang matanda at hanggang ngayon ay iniisip na panahon pa rin ng Hapon. Anyway, aside lang yun. Kung gusto mong sabihing mahal mo ako ng paulit-ulit, okey lang, Lord, ikaw ang bossing e. Siya, go na! Magic time na—

GOD: Ganyan kita kamahal anak…

SQUID: Anak naman ng… ganyan mo ako kamahal? E wala ka pa ngang ginagawa e. Kanina ka pa dyan sabi ng sabi na mahal mo—

GOD: Pero ako ba anak mahal mo ba ako?

SQUID: Bossing naman… ngayon lang kita nakilala, ine-expect mong mahal na kita agad? Ano yon, love at first sight? Bigyan mo naman ako ng panahon na makilala ka. Hindi yung pagkakakilala na sinasabi nung mga diehard fans mo. Nabasa lang ang Bibliya o kaya Koran o kung ano mang lumang kasulatan e feeling na nila kilala ka na nila. Parang fans ni Piolo na nakikita lang yung artista sa TV e akala na nila kilalang-kilala na nila yung tao. Mga jologs. Syempre para makilala mo ang isang tao… este… sa kaso mo, Diyos… kailangang magkausap muna kayo… magkaalaman ng mga iniisip… ng mga pangarap… ng mga problema… ganun.



GOD: Anak…

SQUID: Bossing?

GOD: …mahal na…

SQUID: Na mahal mo ako, oo, alam ko na yon.

GOD: …mahal kita…

SQUID: Susmariosep…

GOD: …at patas ang pagmamahal ko sa inyo. Wala akong pinipili sa pagbibigyan ko ng biyaya…

SQUID: Astig! Siya payamanin mo na lang ako parang si Bill Gates.

GOD: …marami sa inyo, pinagyayaman ang biyaya ko kaya sila yumayaman…

SQUID: Oo nga, bossing, parang si Bill Gates. Siya, i-magic mo na ako para kasing yaman ko siya.

GOD: …marami rin sa inyo ang winawalang halaga ang lahat ng biyaya ko.

SQUID: E kasi sa totoo lang, bossing, wala naman silang natatanggap na biyaya mula sa iyo e. Baka nakalimutan mo lang silang ilagay sa listahan mo ng bibiyayaan.

GOD: Madalas kasi nila tinitingnan ang mga bagay na wala sa kanila…

SQUID: Naranasan ko na ring magutom, bossing… maniwala ka… pag kumakalam ang sikmura mo pansin na pansin mo kung anong wala sa iyo.

GOD: …pero ang mga bagay na binigay ko sa kanila hindi nila nakikita.

SQUID: Bossing, wag kang magagalit ha… pero pag hindi nakikita ang isang bagay… pag hindi nadarama… pag walang saysay sa buhay ng isang tao… malamang sa hindi, guni-guni lang yon.

GOD: Minsan may mga bagay na hindi ko naman iyon ibinigay at ito’y galing sa aking kaaway para makuha kayo at ilayo kayo sa akin.

SQUID: Ayan na naman si kaaway. Burahin mo na lang kaya yang kaaway na yan para wala ka nang problema. Teka… bakit niyo ba pinag-aawayan kaming mga tao? Kailangan niyo ba kami? Kung omnipotent ka, bakit kailangan mo kami?

GOD: Binubulag sila ng kanilang kasakiman at pagkagahaman sa mga kayamanan nila sa lupa.

SQUID: Hala, hindi sinagot ang tanong ko… alam mo, madali lang ang solusyon dyan e. E di tanggalin mo ang kasakiman nila! Pag hindi na sila sakim, makikita na nilang kagagawan lang yon ng kaaway mo! O diba? One plus one lang. Di ko nga maintindihan kung bakit kailangan mo pang pahabain ang proseso e…

GOD: Anak kung hindi ka man masagana sa buhay mo ngayon, makakakaasa ka na malaki ang kayamanan mo dito sa Langit.

SQUID: Talaga? Pwede bang dito na lang sa lupa, bossing? Mas kailangan ko yon ngayon e.

GOD: Pinagpapatayo na kita ng pinakamagarang mansion dito…

SQUID: Kaya nga, dito na lang sa lupa. Bakit kailangang mag-effort ka pang gumawa ng mansiyon para sakin dun? E di ililipat mo pa ako dun? Pag namatay ako, bubuhayin mo pa ako at bibigyan ng bagong katawan na hindi na mamamatay, tapos ite-teleport mo pa ako mula dito sa lupa papunta sa langit. Kasi sigurado akong hindi lang naman ako ang ipinagpapagawa mo ng mansiyon dun. Mahal mo nga kaming lahat e. Kung ganon, gaanong karaming tao ang nabuhay sa mundo? Jusko! Hindi na mabilang! Lahat yon ite-teleport mo sa langit? Ayan ka na naman e. Simpleng one plus one ginagawa mong kelangan pa ng sine at cosine. Wag na. Itong mundo na lang ang gawin mong langit. Teka… ano ba ang langit? Kasi sabi ng iba puro mga anghel na may alpa. Olats yon, bossing. Ayaw ko don. Gusto ko yung parang Earth din pero mayaman ako at maraming tsiks. Syempre, hindi papayag ang misis ko don. E di hindi paraiso ang langit kung hindi ko rin makukuha lahat ng gusto ko! Wag na lang. Dito na lang sa lupa. Payamanin mo na lang ako. Para ngang si Bill—

GOD: …basta…

SQUID: Ngek! May kundisyon?! Akala ko ba ang pag-ibig walang kundisyon?

GOD: …manatili ka lang sa paglilingkod at maging tapat ka sa akin.

SQUID: Ang problema, bossing, e may nakalimutan ka. Yumbang guide book kung paano kami maglilingkod at magiging tapat sayo. Kasi ang nasa amin lang e sangkaterbang mga lumang libro na nobenta pursyento ng laman e walang saysay sa buhay namin ngayon. Masarap basahin kasi astig… lalo na nung pinatay ni Samson yung hukbo ng kaaway niya gamit lamang ang panga ng hayop… pota, parang Matrix lang a… pero puro pang-aliw lang ang kwento. Yung iba naman walang kwento, puro blahblah chienes chienes. Bigyan mo naman kami ng totoong guide book. Yung malinaw. O kaya kalimutan mo na ang guide book. Magpakita ka na lang sa aming lahat at sabihin mo na lang ng diretso kung ano ba talaga ang gusto mo! Sabi ko nga, one plus—

GOD: Ito ang kayamanan na kailan man ay di sa iyo maagaw at di ka mauubusan.

SQUID: Bigyan mo ako ng superpower para kaya kong gumawa ng kayamanan mula sa hangin… pota, yun ang kayamanang hindi maaagaw at hindi mauubos. Basta lang wala kang magbibigay ng superpower na nanghihigop ng kapangyarihan ng iba, parang si Rogue sa X-Men.

GOD: Pero anak labis akong natutuwa sa mga anak ko na ibinabahagi nila sa iba ang biyaya nila.

SQUID: Ako natutuwa din sa kanila, bossing. Actually, matutuwa ako sa kanila pag pati ako binahagian nila ng biyaya nila.

GOD: Nagiging instrumento sila ng mga pagpapala ko.

SQUID: Ayan ka na naman sa instrumento. Ibigay mo na lang samin ng diretso ang pagpapala mo.

GOD: Pero labis naman akong nagdadamdam dahil minsan ang mga biyayang binibigay ko sa kanila, ay kanilang sinasarili at pinagkakait sa iba.

SQUID: Kaya nga e, kung binibigay mo na ng diretso samin ang pagpapala mo e di wala nang kailangang magdamot.

GOD: Pero kahit ganun ang ginagawa nila, di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na isang araw matutunan din nilang magbigay at magbahagi sa kanilang mga kapatid.

SQUID: Umaasa ka, bossing? E diba tao lang ang dapat umaasa? Kasi omnipotent ka nga e. Hindi mo na kailangang umasa. Pumitik ka lang mangyayari na ang lahat ng gusto mong mangyari. Actually, hindi mo nga kailangang pumitik e. Isipin mo lang—

GOD: Tandaan mo, anak, na mas tinitingnan ko ang pagmamahal mo sa akin, at hindi ang tagumpay, katanyagan o kayamanan mo sa buhay.

SQUID: Okey, pero siyempre gusto ko rin namang magtagumpay, maging tanyag, at yumaman. Best of both worlds, ika nga. Good shot na ako sa iyo, rockstar pa ako sa lupa.

GOD: Maniwala ka at sumampalataya ka sa akin…

SQUID: Magpakita ka sa mundo at sabihin mong ikaw ang Diyos, tapos tapusin mo na ang mga problema naming lahat. Lalangoy ka sa paniniwala at pananampalataya. Diba kanina ko pa sinasabi yun?

GOD: …at ibubukas ko ang mga mata mo sa mga biyaya ko na hindi mo noon nakikita. Mararamdaman mo ang aking pagmamahal sa iyo.

SQUID: Mas mararamdaman ko yon kung gagawin mo akong rockstar. Yeboi!

GOD: Ganyan kita kamahal anak, pero ako ba anak, mahal mo ba ako?

SQUID: Hindi mo pa nga ako ginagawang rockstar, tinatanong mo na naman kung mahal kita.



GOD: Anak…

SQUID: Mahal na mahal mo ako… oo na…

GOD: …mahal na mahal kita…

SQUID: Kitam?

GOD: …kinuha ko man sa iyo ang mga mahal mo sa buhay,ito ay para maunawaan mo na hindi permanante ang lahat dito sa mundong ito.

SQUID: E di gawin mong permanente ang lahat sa mundong ito. Hindi mo kailangang kunin ang mga mahal namin sa buhay. Lahat rock and roll.

GOD: May magandang buhay ang naghihintay sa kanila sa langit.

SQUID: Dito na nga lang, hindi mo na kailangang magpagod pa.

GOD: Alam kong mas masaya sila doon kesa nandyan sa lupa.

SQUID: E kung gagawin mo ngang paraiso dito sa lupa lahat kami masaya. Paulit-ulit naman ang usapang ito e.

GOD: Sana maunawaan mo na ipinahiram ko lamang ang buhay na ito, at tulad ng buhay mo pinahiram ko lang din ito sa iyo.

SQUID: Alam mo, bossing, hindi naman sa pag-aano ha? Pero kung magbibigay ka na rin lang ng buhay sana yung wala nang bawian. Kasi hassle mamatay. Kung alam ko lang na mamamatay ako sana hindi mo na lang ako binuhay.

GOD: Sana gamitin ito para makatulong ka sa iba.

SQUID: Okey. Uulitin ko na naman. Payamanin mo ako at tutulong ako sa iba. Simple lang yon ha—

GOD: Sa pagbibigay ko sa iyo ng buhay , binigyan kita ng pagkakataon na magsisisi…

SQUID: Huwaaat?! Ibig sabihin kapapanganak ko pa lang alam mo nang magkakasala ako kaya may panahon akong magsisi? E di sana hindi na lang ako pinanganak para hindi na ako magkakasala pa sayo at manganganib na pumunta sa impyerno! Labo mo talaga, bossing.

GOD: …at sumunod sa akin, dahil gusto kitang makabilang sa mga pinaghaharian ko dito sa langit.

SQUID: E di sana ginawa mo na lang akong robot. Pa free will free will ka pa dyan e.

GOD: Di ako nawawalan sa iyo ng pag-asa, kaya patuloy kitang binigyan pa ng buhay.

SQUID: Stir. Baka naman natutuwa kang panoorin kaming mga taong paikot-ikot sa paghahanap kung ano nga ba ang katotohanan. Subukan mo kayang maging tao nang maranasan mo. Ay sori, nakalimutan ko naging tao ka nga pala minsan. Nga lang, may superpowers pa rin. Daya nito o…

GOD: Sana maunawaan mo na hindi ko sya inalalayo sa iyo, gusto ko lang syang mas mapalapit sa akin…

SQUID: Ang tawag dyan cop-out, oo.

GOD: …at ikaw din ay mapalapit din sa akin.

SQUID: Ngayon na lang, bossing. Para tapos na ang problema. Bakit kailangan pang maghintay?

GOD: Hindi ko pinagkakait sa iyo ang mahal mo sa buhay, kundi gusto ko lang silang mapabuti, mailayo pa sa kasalanan at paghihirap sa mundo, at makasama ko na uli sila. Sana maunawaan mo iyon Anak ko.

SQUID: Okey, etong sitwasyon. Kamamatay lang ng tatay ng kabarkada ko. Kapag lumapit ako sa kanya at sinabi kong ako ang Diyos… well, kunwari hindi niya ako sinapak… at sinabi ko ring yang sinasabi mo sa akin ngayon, maniniwala ba siya? Sasabihin lang niyang puno ako ng bullshit. Tapos sasapakin niya ako.

GOD: Ganyan kita kamahal anak, pero ako ba anak,mahal mo ba ako?

SQUID: Nakaka-imbyernaks na yang paulit-ulit na tanong na yan ha…



GOD: Anak mahal na mahal kita…

SQUID: Kaya wala kang sinasabing matino sakin kundi puro bullshit lang?

GOD: …kung sinusubok ko man ang pananampalataya mo, iyon ay para di ka lumayo sa akin, kundi para mas mapalapit ka pa sa akin.

SQUID: Alam mo kung alam mo ang lahat e di alam mo na ang gagawin ko. Bakit kailangan mo pa akong subukan? Pucha, palaki ng palaki ang ebidensiya na sadista ka…

GOD: Kung nalampasan mo man ang mga pagsubok na ito, ikaw ay aking pagpapalain pang lalo…

SQUID: Tulad ng pagpapala mo kay Job nung nalampasan niya ang pagsubok mo. Lalo mo pa siyang pinayaman at binigyan ng mas maraming mga anak. Nga lang, maski gano pang karami ang bago niyang mga anak, patay pa rin yung mga nauna niyang kiddies. Olats pa rin siya.

GOD: …at kung sakaling mabigo ka sa pagsubok na ito, hindi kita iiwanan kundi ikaw ay aking pang lalong tutulungan at pagpapalain.

SQUID: Tulad ng pagkabigo ng asawa ni Lot na ang tanging kasalanan lang ay ang lumingon. Oo nga, tinulungan mo siya, bossing. Tinulungan mong maging tumpok ng asin!

GOD: Kahit kailan man sa pagsubok na binigay ko walang nanalo at natatalo, para sa akin lahat kayo ay panalo sa akin basta kayo ay mananatiling tapat sa akin.

SQUID: E yung namatay sa gutom, o kaya sa ethnic cleansing, o kaya sa genocide? Panalo rin ba sila? O baka naman lahat sila hindi naging tapat sayo? Nung huling tumingin ako sa statistics e lahat namamatay, tapat man sayo o hindi.

GOD: Kung sakaling mabigo man kayo, pag-aalabin ko pa ang kanilang pagmamahal sa akin…

SQUID: Kaya mo naman palang gawin yon e! Kung sa simula pa lang ay pinag-alab mo na ang pagmamahal ng lahat ng tao sa iyo e di hindi mo na kami kailangang subukan, diba? Wala nang kailangang mabigo! Wala nang kailangang—

GOD: …at kung kayo naman ay nagtagumpay, ako ay tuwang tuwa sa inyo.

SQUID: Kung ganon, bakit hindi lahat kami nagtatagumpay. Actually, mas marami ngang hindi nagtatagumpay kesa nagtatagumpay. Ibig bang sabihin non e ayaw mong matuwa?

GOD: Ganyan ko kayo kamahal kasi lahat kayo ay mga Champion para sa akin.

SQUID: Ganyang-ganyan kung bolahin ni GMA ang mga ulo ng masang Pilipino.

GOD: Tandaan mo Anak hinding hindi kita iiwanan…

SQUID: Hindi mo nga ako iiwanan, hindi mo rin naman ako tutulungan.

GOD: …kung sinubok man kita iyon ay dahil naniniwala ako na kayang kaya mo ang lahat ng iyon.

SQUID: Okey. Pag nakakita ako ng dose anyos na batang gina-gang rape ng mga adik sa sementeryo sasabihin kong nangyayari sa kanya yon kasi kaya naman niya e.

GOD: Ganyan kita kamahal anak…

SQUID: Ako at yung dose anyos na batang gina-gang rape ng mga adik sa sementeryo?

GOD: …pero ako ba anak, mahal mo ba ako?

SQUID: Haller? Ano sa tingin mo?

10 comments:

  1. What I can't understand is why a person as obviously intelligent and talented as you would keep writing things like this. You should use the immense talent God has given you to glorify Him.

    ReplyDelete
  2. @anonymoous: keep praising Him whilst the whole world is starving? people getting killed for inexplicable reasons? families selling their home furniture just so they could pay the 10% tights required by their fucking religion?! Ha!

    ReplyDelete
  3. You mean tithes. But yeah, I get the point.

    ReplyDelete
  4. @anonymous: What I can't understand is why a person as literate as you would fail to recognize this post a SATIRE. God doesn't give a shit about us since he's too busy basking in self-gratification. Tell your god to shove his "selfless love" up his holy arse. And up yours too!

    @haha: 10% tights!! love the wordplay!!!

    @squid: I suppose you've got an axe to grind with them producers, huh?

    ReplyDelete
  5. I've got an axe to grind with this whole industry that treats creatives as little more than unskilled laborers. A producer is a producer. It's part of his job to find corners to cut. Too often, though, when it comes to writers, the man cuts really big corners. As long as writers and other creatives aren't putting up a united front to protect our interests it's going to get much worse before it gets any better. As of this moment, for instance, writers usually spend half a year making up shows that would employ them for only three months, which is how long a show usually lasts. How screwed up is that?

    ReplyDelete
  6. I know you can do a better satire than this.

    ReplyDelete
  7. Remember all human being on Earth are loved by God even those who do most evil deed as long as God choose that evil person to continue his life God love that evil person. That is why he cannot hurt people who are hurting you. Understand the reason of God why. remember you are not the only people who have been hurt. There many people who been hurt so much 50 times harder than what we experiencing today but still their Love to God stay constant. There is no excuse for you to say because someone hurt you, you will loose your faith in God.

    ReplyDelete
  8. Remember(comma) all human being(s) on Earth are loved by God(comma) even those who do (the) most evil deed(s)(period) (capitalize the first letter)as long as God choose(s) that evil person to continue his life(comma) God love(s) that evil person. That is why he cannot hurt people who are hurting you. Understand the reason of God(period) why.(delete) (capitalize first letter)remember(comma) you are not the only people(person) who have(has) been hurt. There many people who (have) been hurt so much(dash) 50 times harder than what we (are) experiencing today but still their Love to(for) God stay(s) constant. There is no excuse for you to say (that) because someone hurt you, you will(should) loose(lose) your faith in God.

    FIXED! Now, go away.

    ReplyDelete