Thursday, December 11, 2008

Prize-Winning Writer Ricky Lee Set to Build 'Writers Foundation'

SQUID'S NOTE: I'm up to my balls with work but this is a truly important development for film and television writers. I'm posting a copy-paste article here for now (follow the link for the original source, I obviously didn't write it) and will be talking about it till your nipples fall off tonight or tomorrow morning (talking about it, not your tits falling off). Shai-Hulud calls and I follow. Shwing!

BOY VILLASANTA, abs-cbnNEWS.com
12/09/2008 9:08 AM


Dahil sa mga problemang pinansiyal at kawalan ng tamang pag-aruga sa mga manunulat, magtatatag ang premyadong manunulat na si Ricardo Lee, kilala rin sa tawag na Ricky Lee, ng foundation para sa mga ito.

Ito ang kanyang opisyal na ipinahayag sa paglulunsad ng kanyang kauna-unahang nobela na pinamagatang “Para Kay B” sa UP Bahay ng Alumni sa Diliman, Lunsod ng Quezon kamakailan.

Ayon kay Lee, panahon na upang suportahan ang mga layunin ng mga manunulat, partikular ang mga scriptwriter.

“Kailangang malaman ng bawat isa ang kahalagahan ng isang scriptwriter,” pahayag ni Ricky.

“Hindi mabubuo ang isang pelikula o ang isang TV show kung walang scriptwriter kaya kailangang tulungan siya sa tamang paraan,” dagdag niya.

Tatawagin anya ang organisasyon na Writers Foundation.

Ang kapakanan anya ng isang mandudulang pampelikula o pantelebisyon ang kauna-unahang dapat alagaan lalo na ang kanyang seguridad.

Marami ani Ricky ang mga scriptwriter na walang Social Security System o kahit anong insurance kaya ito ang isa sa mga unang iuugit ng pundasyon.

“Marami pa rin sa mga scriptwriter ang walang pamasahe. At marami sa kanila, pag tumanda na, walang mapuntahan. Ni hindi nakapagpundar ng bahay o kahit na kapirasong lupa na puwedeng pagtayuan ng bahay o masisilungan,” kuwento ng premyadong manunulat at peryodista.

Ang kalusugang kapakanan ang isa pa sa nais pagtuunan ng pansin ni Ricky sa itatayong foundation.

“Marami rin sa mga scriptwriter, pag nagkakasakit, walang pampaospital o walang pambili ng gamot,” obserbasyon ni Ricky.

Sa lalong madaling panahon anya ay ipaparehistro na ang Writers Foundation sa Securities and Exchange Commission bilang non-stock at non-profit na grupo.

Matatandaan na si Lee rin ang nagpasimuno nang libreng palihan sa scriptwriting noong 1982.

“Itutuloy ko pa rin ang free scriptwriting seminar para sa mga intresado at deserving,” pahayag ni Ricky na sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga dumalo sa book launching.

Kabilang sa kauna-unahang batch ng workshoppers noong 1982 sina Jeffrey Jeturian, Jose Almojuela, Leo Abaya, Armando Lao, Julianito “Boy” Villasanta, Lynda Casimiro, Buddy Palad, Emmie G. Velarde, Philip Garcia, Jr., Loretta Medina, Vincent Benjamin Kua, Jr. at Benjie Tan.

No comments:

Post a Comment