Monday, February 08, 2010

Dream Journal 1: Monday. February 08, 2010. 11:00 AM

2-hr sleep. Nakatulog ako ng 9 AM and woke up sa 11AM alarm. Was working on concepts the whole day bago matulog so I think my creativity was fired up when I went to sleep.

Ang pinaka-earliest ko na natatandaan sa dream ay nanonood ng cable TV (I was watching Animax, catching my favorite shows na nire-replay ng weekend). Biglang nagkaron ng amateur porn. Clusterfuck. May comment pa yung isang babae na may tissue daw siya sa bag. Nagna-narrate si Lourd de Veyra na i-enjoy ang video habang hindi pa natatanggal sa ere, wala naman daw batas against this (in real life meron ano), etc. Mukhang pirate broadcast. Bakit si Lourd? Baka dahil sa napanood kong ep ng Word of the Lourd sa YouTube some weeks ako. Ang pangalan ng banda na sinabi ni Lourd ay hindi Radioactive Sago Project. Sa continuity ng dream ko, matagal nang nag-iba ang pangalan ng banda and I was trying to remember what it was. Gin Pomelo? No, pero gin pomelo was something I read na sabi ni Lourd ay source of inspiration niya. Sa Pulp Magazine yata, a decade ago. Anyway so sa dream hindi ko natatandaan kung pano natapos ang pirate broadcast ni Lourd. May chunk ng events na nawawala.

Parang next story na. Isang samurai na may hostage na batang anak ng villain. Pero ang samurai dito naka-leather jacket. Di ko namalayan ako na ang modern samurai na ito. Sa concept na sinusulat ko before I woke up ay may samurai character. Some other concept some days ago ay may Hong Kong kung fu-style hero na naka-leather jacket. So anyway ang mga samurai na ito sa dream ay may mahahabang swords pero parang anglambot nung ginagamit ko. I was supposed to be inventing a new style or tactic ng samurai... or maybe reviving an old samurai trick... pero wala naman akong nakitang matinong style or trick sa panaginip na ito. I used the little girl as a shield (what?!). I pressed the girl between me and her villanous father (why he's a bad guy, it is unclear pero I was working on the bad guy na tatay pala talaga ng bida in my concept when I went to sleep). He drew a knife at nasugatan ako. All I did by way of that supposed ancient samurai trick was raise both my hands as a sign of not holding any weapons. Tapos nakalimutan ko na naman ang chunk ng kwento na nagse-segue sa susunod na kwento.

Ang natatandaan ko ay biglang malaki na ang batang hostage ko kanina. Magkakampi na yata kami. We were looking for this old doctor na mukhang Victorian era old gentleman. I was thinking of steam punk kasi kahapon. Plus nanonood ako ng Full Metal Alchemist Brotherhood earlier. Sabi ni doc sa amin ni girl sa dream, natalo na nga ang tatay mo, girl, pero andyan pa rin ang effect ng virus na inimbento niya (hinahanda ko siguro ang pagbabalik ni villain). Doc shows us dissected bodies of animals na deformed ang mga buto, etc. He takes us to a tunnel and opens a metal door with a thin key. He shows us animals na affected by the virus. They're all deformed and violent. One is an armadillo na may brittle armor at transluscent ito because of the virus (may armadillo character sa Gurran Lagann sa Animax). The animals wanted to attack us kaya umalis na kami. Ako ang nagsara ng metal door sa cage nila. Biglang nasira ang lock (note: may tunnel sa FMA na prominent sa kwento). I had to think fast, kailangan ng kadena. Biglang narinig ang boses ng kapitbahay (nye, may kapitbahay ang cage ng infected dogs?!) tapos sabi may kadena daw siya. Ambait mo, sabi no doc, magkano? Yon ang hindi mabait, sabi ni kapitbahay na girl na di pa namin nakikita ang mukha. Lumalabas lang ang robotic arms niya na nagsusulat ng bill for the chain. Alam ko though na tao ang itsura niya beyond the arms maski di ko pa nakikita. So I started chaining the door. The neighbor's arm is helping me out mula sa metal door ng babaeng yon. Di pa rin siya nagpapakita. Clunky robotic arms. Hindi ko namalayan na ako na pala ang old doc. I've just finished padlocking the chain and am admiring and caressing the neighbor's arm. Look kids, I say to girl and leather jacket samurai (na hindi na ako ngayon). Look at this magnificent robotic arm. The arm transforms into... still a robotic arm pero mas sleek na ngayon. Matatandaan ko na last year may ganitong technology akong naencounter and I'm trying to remember it. Sa construction ng kwento, the robotic arm is a past story and na-plant ang muling pagdating niya. I don't feel na villain siya. Ang weird dito is that the dream has convinced me na napanaginipan ko na nga ito noon at nai-plant na nga noon, like last year. Dreams that convince you that way, yung binibigyan ka ng false memories, are among the weirdest. I've had a few of those. Nung nagising lang ako nawala yung illusion na napanaginipan ko na noon yon.

And nagising nga ako kasi nag-alarm na. Kung di ako nagising, nagsegue lang nang nagsegue yon into different stories na walang point. Maybe dreams really are the mind's way of dumping useless info to make space in the hard drive. Nga pala, the main character ng FMA ay may metal arm.

Idea from the dream: create a loooong drawing about the events of a dream. Continuous ang drawing, the images blend into each other tulad ng pag-segue ng stories sa dreams, black and white pen drawings. Surreal 70s-style art, parang sa Yellow Submarine pero black and white at hindi animated. I'm thinking of the animated short, I Met the Walrus.

I'm also thinking that THAT was a pretty crappy dream. Thank you very much for wasting my time, brain.

1 comment: